Sa aking pagiisip tungkol sa di matuloy tuloy na bakasyon ko sa pinas ( ayaw ako payagan ng mga amo ko tapusin ko daw muna ung critical stage ng project… masyado daw akong pogi walang papalit sa iiwan ko na posisyon). Naisip ko tuloy ang pamusong kasabihan ng mga pinoy dito sa saudi.. ay utoy dito ang kontrata ang tinatapos indi ang project. Ako kasi ang commitment ko sa trabaho ay ganun na lamang.. eto kc ang bread and butter ko eto ang pinagkukunan ko ng pangsuporta ko sa pamilya ko. Minsan tuloy nasabihan ako… ” Ay maka Yano ka UTOY yanung ige mo magpayaman.
Minsan kailangan tayong magsakripisyo, malayo sa mga minamahal para mabigyan sila ng maalwan na pamumuhay. pero para saan naman lahat yun kung tatanda at mauubos ang lakas mo sa pagpapaalipin sa bansang arabo na hindi mo sila makakasama.. ( 45 days lang naman ang hinihingi ko ayan tuloy nag emo emohan ako eh eh maka iba)
Naitanung ko rin bakit kailangan pang magpayaman kung sa kaduluduluhan naman ay kamatayan. Napakasarap mamuhay ung maalwan, ung walang ibang iniisip, ung kasama mo ang mahal sa buhay. Pangarap ko lang naman ay magkaroon ng sariling bahay at isang masasabing negosyo sa pinas , para makapgstay na sa pinas forever maga kuyakuyakoy na laang. Ay na kung me trabaho baga na matinu tinu sa pinas ako ay di maga paka alis alis. Di ko mararanasan ang kumaing mag isa, matulog mag isa, mamasyal mag isa, gumising mag isa, maglutong mag isa, maglabang mag isa. Pero balewala lahat yan basta maalwan ang pamumuhay ng naiwan ko sa pinas. basta masaya sila, nabibili nila gusto nila, nakakain nila gusto nila (bawas hayblad di baga?? )
Pasasan baga at malalampasan yan. Sabi nga lahat ng pagsubok ay di ibibigay kung di kakayanin at basta susukuan na laang. (Problems are Purposeful Roadblocks Offering Beneficial Lessons (to) Enhance Mental Strength. Inner strength comes from struggle and endurance, not when you are free from problems. ) Kakaiba aring naisip ko na ari.. bakasyon laang inaisip ko ay… yaesya tutulog na ang kenyo (mahal ko kayo) tommorow is another day…