Bungad

Ang pinakamasayang Break UP

Mag-iwan ng puna

Para sa Iyo….
Sa bawat araw at gabi na kasama kita, Di ko mawari kung anung klaseng pagtitiis ang ginawa ko para mapaglabanan ko ang nakakaloko mong presensya. Kahit di ko gusto di kita mapigilang sumama sa aking higaan at ginagambala ang aking pagtulog. Palagi mo akong ginagapang, kinakagat kagat na parang hayok sa pangigil, wala kang pakundangan ni katiting na awa wala kang itinira sa akin. Kung maglakad lakad ka sa salas at kuwarto di ka na nahiya… nagmamalaki ka pa kesyo marami ang nakakakita sa iyo, marami kang naisahan sa amin sa bawat gabing kami ay nasa kahimbingan ng aming pagtulog. Akala ko nung lumipat ako ng bahay mawawala ka na sa buhay ko. ngunit laking pagkakamali ko. ilang araw lang andyan ka na naman patuloy akong ginagapang sa aking pagkakahimbing. kapag nararamdaman kung ikaw ay katabi ko na naman, sinasamantala mo ang dilim ng apat na sulok ng kuarto at ikaw ay biglang nakakapagtago upang di kita makapa at makita. Dumaan ang malalamig na gabi laking pasalamat ko at hindi ka nagpaparamdam wari ko ay nagsawa ka rin na pagsamantalahan ang aking katawan biglang napanatag ang aking kalooban. Ngunit yun pala ay panandalian lamang heto andyan ka na naman at paulit ulit mo ginagawa ang iyong nakasanayan. Sa katunayan kahit sa aking pagbakasyon sumama ka pa rin nalaman ko na lang nung andun na ako sa bahay at dagli kitang ipinagtabuyan. Di ko na lang pinaalam ke mahal at baka ako ay pagalitan. Ngaun ako ay may kasama na sa kuwarto… akala ko dahil masyado akong abala halos gabi na ako nakakauwe ay mababaling ang atensyon mo sa kanila. Sa katunayan halos di na ako tumutulog para naman maranasan ng mga kasama ko kung anu ang pinaparanas mo sa akin. Pinapauna ko silang matulog para naman sila ang iyong gapangin sa katunayan pinapatay ko pa ang ilaw para malaya kang makapanggapang at at ibaling sa kanila ang gigil at sissipin ang dugong nanalaytay sa kanilang kalamnan. Ngunit isang malaking pagkakamali dahil pagkatapos mo sa kanila sa akin ka pa rin bumabaling, anu bang meron ako at ako ay iyong binabalik balikan. Sa kagustuhan kung mawala ka sa aking pang araw araw na pamumuhay ngaun nilason na kita. Nagtiis ako ng isang gabing walang tulog para maisakatuparan ko ang pagpatay sa iyo. Ang tindi ng amoy ng aking kuwarto dahil sa lason na inilagay ko sa lahat ng sulok. Sana mamatay ka na at wag mo na akong gambalain, tama na ang apat na taon na pinagpyestahan mo ang aking katawan, tama na ang paggambala sa aking mahimbing na pagkakatulog. Sana di na dumami pa ang iyong lahi…. Sana MAMATAY KA NG SUROT KA…. SANA ITO NA ANG HULI MONG PAGKAGAT SA AKIN AT PAGSIPSIP NG DUGO KO, ETO NA ANG HULI MONG PAGTABI SA AKING PAGKAKATULOG.. SANA MAKAWALA NA AKO SA PUYAT DAHIL SA IYONG PRESENSYA. PAALAM SA IYO SUROT, HABANG PINAGMAMASDAN KITA NA UNTI UNTING NAWAWALAN NG BUHAY DAHIL SA LASON LIGAYA ANG AKING NARARAMDAMAN….. SANA SUROT WAG KA NA BUMALIK HA…

th (3)

PITPAF POWDER HANGGANG KELAN KAYA TATAGAL…
HAYS DI AKO NAKATULOG DAHIL SA IYONG SUROT KA……

Pananagutan

Mag-iwan ng puna

Minsan nadadala tayo ng ating emosyon.. kesyo masaya dito masaya duon.. Duon tayo. duon pinagkakaguluhan kc sikat tayo. Kailangan gayahin ko siya.. ganuon lang naman gagawin ko tyak dami na magkokoment marami na mag pa follow sa akin, marami na mag friend sa akin.. ganuon lang naman kc.. kung anu ang in siya ang sikat..

Post Piktyur.. 24 likes in 2 minutes, 100 komments in 1 hours.. 12 friend request.. oi sikat na ako.. hahaha saya saya naman..

anu ba ang nilalaman ng komments..
oi nakakatakam naman yan…
cge pa cge pa ibaba mo pa…
sa sunod na post dapat kita na ha..
oi bakat..
masaklap pa… sarap pagsaltikan nyan..

Puro makamundo,,, pagnanasa.. pambabastos .. pero tuwang tuwa tayo.. kailan ba tayo nakatanngap ng papuri.. kailan ba tayu nakatanggap ng ngiti na galing sa iba..
Sa inip ba naman dito sa disyerto.. si unkel FB na lang libangan ko. Sarap ng pakiramdam diba.. lahat ng atensyon nasa iyo..

Bago tayo mag post ng malalaswang larawan natin.. isipin natin ang konsekwensiya at marami tayong dapat isa alang alang..

Pamilya – nirerespeto ka ng pamilyang iniwan mo.. anu ang mararamdaman nila pag nakita nilang nakabuyangyang ang katawan mo..

Ang kaibigan mo ay kaibigan ko rin – Maaring kumalat ang i pinost mo na larawan oi kilala mo ba si ganito.. grabe ..

Porn Sites – Isang pagkakamali mo lang.. malamang kinabukasan nakapaskil na ang larawan mo with matching kwento (sikat ka na)

Trabaho – isa kang kagalang galang sa larangang pinasok mo.. anu kaya ang iisipin ng nakakilala sa iyo pag nakita nila ang malaswa mong larawan..

Edad – Babagayan ka pa kaya cguro kahit sa photoshop napaka hirap ng i repair ng katawan mo..

Bilang kaibigan dun pumapasok ang pananagutan mo.. indi lang naman nagtatapos ang pakikipagkaibigan sa ifbe thru biruan, palitan ng komments at likes.. Maari mo siyang pagsabihan sa paraang di siya mapapahiya sa karamihan.. kaya nga me inbox eh.. dun mo siya talakan.. dun mo siya sermunan..

Thoughts: Maaring malimutan mo bukas ang mga magagandang salita na binitawan ngayon pero malay mo di yun malimutan ng iyong sinabihan sa habang buhay.”

A simple conversation with the Tea Boy

Mag-iwan ng puna

One morning our office tea boy   approaches me….

Ashraf : How you modir

Me: Im Fine Good

Ashraf: Coffee You

Me:  Yes thank you

Ashraf: Me Thank?

Me: hahahaha

Other Morning as daily Routine:

Ashraf: Good Morning Sir

Me: Morning good…

Ashraf: How You?

Me: Fine Me…

Ashraf: Cofee you… ??

Me: Yah Me coffee

Me: How Old You?

Ashraf: My Old?

Me: Yah

Ashraf: Me 26 ( While Counting in his Hands)

Ashraf: You Sir Hoe Old You..

Me: My Older?

Ashraf: Yes…

Me: ahhh Me 1980

Ashraf counting again hahahaha

Ashraf: You Maskara sir….( are you joking sir)

Me: (still laughing) No… 

Day After Tomorrow:

Walang Ashraf…

Walang Kape…. Yan kakabiro mo kc hahaha

(Simpleng engish pwede na)

 

Bebe Yannah

3 mga puna

Habang exited sa paghihintay sa paglabas ni bebe fetus.. Ciempre exited din sa pag isip kung anu ang magandang ipapangalan. My wifey prefer for a girl kasi maganda daw pagpraktisan sa pag make up.. ika nga chalengging daw magpalaki ng bebe girl ( as she experienced to her cute pamangkins). Baby boy later daw muna.

So ang napagkasunduan Marrianne Claire Rivamonte Reynoso… okey nice combination of St.Mary and St. Claire ung pinag alayan ni wifey ng itlog para matuloy si bebe fetus namin.

Mga Kumontra ang exited din na lolo at lola to bre.. masyado daw mahaba pwede daw naman yannah lang.. kc baka daw mahirapan sa pag sulat ng pangalan nia pag nag aaral na.. tamo tong mga lolo at lola na to .. ke aga aga tuturuan agad ng katamaran sa pag sulat ng pangalan nia bebe yannah ko.. Sabi ko na lang di naman papanganak na bobo si bebe yannah hehehe kaya kahit hundred characters pa name nia.. di  nia kakainipan ang pagsulat.. basta kasya sa papel..

sa sobrang exited din kahit di pa lumalabas bebe fetus namin.. pinag isipan na rin kung saang private school papag aralin.. kung anung course ang i take up sa college…

toooooo early heheheehe….

The Feeling of Becoming a Father.. :))

3 mga puna

   At last after for more than 5 years…. nangyari din ang aming pinakamatagal na hinihintay… ang taga pagmana ng kapogianat kagandahan  ni maggs at ni bangge.  4 months on the family way. Parang kelan lang  nakikipagkulitan ako sa  company namin na bigyan na ako ng bakasyon  ( reason magtanim ng butiki  at ciempre finish contrac t) at last naka go ako late february and i enjoy it for 35 days. So hataw si maggs 34 days in the making si baby fetus ko..

Mid April ng malaman ng poging daddy to be na nag dadalang butiki na ang bangge ko. Ciempre namang daming tuwa. Sa limang taon ba naman na pakikipag paligsahan sa init ng araw at sobrang expose sa radiation.. indi pala ako expired. hahaha..

Kasama pala sa buntis cycle ang paglilihi at ang pagiging iyakin ng bangge ko. Minsan tumawag ako umiiyak ba naman, me gusto daw cia kainin pero di nia alam. To find out na asukal na pula lang pala ang gusto and takee note ung asa garapon.  Maraming nakakatuwang kwento ang pagbubuntis ni wifey.. ung nga lang sa special moment na to.. asa mainit na disyerto  poging bida.. enshaallah in december come.. a healthy baby will complete us…

positive

Nagpapaantok

2 mga puna

sayang na pangarap…..

sa bawat sandaling akoy magninilay
may daloy ng luha na di mapigilan
tuwing lilimihin sa aking isipan
ang dusay sinapit ng api kong buhay…..

noong kapiling ka o mahal kong liyag
ang bawat sandali sa akin ay galak
ang nota ng musika ang bawat halakhak
ikaw ang langit ko sa buong magdamag….

akoy katulad rin ng ibang nangarap
na makapaghandog ng magandang bukas
ang hindi ko alam at abot ng hagap
kulang pa sayo ang lahat kong sikap

hindi kita sinisisi sa sinapit nitong palad
pagkat akoy isang aba sa iyo ay hindi dapat
palagay mo marahil sa dibdib ng mahirap
wala kang luwalhating masasalat oras oras……

 

Ang Mahiwagang Laway

1 Puna

SINO ANG GUSTONG MAGING HENERAL NG HARI???

Si Ahmed ay isang high-ranking official sa korte ni Haring Akbar . Matagal
nang pinakamimithi ni Ahmed na pagsawaang madede ang malulusog na dibdib ng
Reyna. Tuwing mapapadaan si Ahmed sa harapan ng Reyna ay gayon na lamang ang
pagkasiphayo ng kanyang kalooban. Isang araw, ipinagtapat ni Ahmed ang
kinikimkim niyang pagnanasa sa pangunahing tagapayo ng Hari, si Birbal.
Umiiyak na nagmakaawa si Ahmed kay Birbal upang tulungan siya sa kanyang
suliranin. Pinag-isipan ni Birbal ang bagay na iyon, at pumayag siyang
tulungan si Ahmed sa kondisyon na kapag natupad ang ninanasa ni Ahmed ay
babayaran siya ni Ahmed ng 1,000 gintong kuwalta.
Agad na sumang-ayon si Ahmed. Humingi si Birbal kay Ahmed ng kalahating
tasang laway nito. Isinangkap ni Birbal ang laway ni Ahmed sa mahiwagang
losyon. Kinabukasan, habang naliligo ang Reyna, ipinahid ni Birbal ang
mahiwagang losyon sa bra nito. Matapos isuot ng Reyna ang bra ay
nagsimulang mangati ang mga suso nito. Habang nagtatagal ay lalong
sumisidhi ang pangangati ng boobs ng Reyna, kaya ganoon na lamang ang
pag-aalala ng Hari.
Hindi makatulog ang Reyna dahil sa pangangati ng kanyang boobs, at syempre
pa ay bwisit na bwisit ito. Kung sinu-sino ang kinunsulta ng Hari, kabilang
si Birbal, at nagkaisa sila na ang makagagamot sa karamdaman ng Reyna ay
isang espesyal na laway na kailangang ilagay sa loob nan apat na oras.
Isiniwalat ni Birbal na ang espesyal na laway ay matatagpuan sa bibig ni
Ahmed. Ipinatawag ni Haring Akbar si Ahmed, at inatasan itong dedehin nang
apat na oras ang dibdib ng Reyna. Apat na oras na singkad na nagpapasasa
si Ahmed sa suso ng Reyna na mistulang asong ulol. Dinilaan niya iyon,
kinagat , pinisil-pisil, nilamas, nilamutak. Nakamit ni Ahmed ang matagal na
niyang hinahangad. Pagkalipas ng apat na oras ay masayang-masaya si Ahmed.
Nang magtagpo sila ni Birbal at sinisingil siya nito, tumangging magbayad
si Ahmed at ipinagtabuyan niya si Birbal. Alam ni Ahmed na hindi
makapagsusumbong si Birbal kay Haring Akbar.
Minaliit ni Ahmed ang talino ni Birbal. Kinabukasan,ipinahid ni Birbal ang
mahiwagang losyon sa underwear ni Haring Akbar. Muling ipinatawag ni Haring
Akbar si Ahmed…………………………

Tuloy ko pa ba ang kuwento? . . . . . . . . . . . .

Saka na, work ka na muna.

Anu ngani ang DAHILAN?

1 Puna

Sa aking pagiisip  tungkol sa di matuloy tuloy na bakasyon ko sa pinas ( ayaw ako payagan ng mga amo ko tapusin ko daw muna ung critical stage ng project… masyado  daw akong pogi walang papalit sa iiwan ko na posisyon). Naisip ko  tuloy ang pamusong kasabihan ng mga pinoy dito sa saudi.. ay utoy dito ang kontrata ang tinatapos indi ang project. Ako kasi ang commitment ko sa trabaho ay ganun na lamang.. eto kc ang bread and butter ko eto ang pinagkukunan ko ng pangsuporta ko sa pamilya ko. Minsan tuloy nasabihan ako… ” Ay maka Yano ka UTOY yanung ige mo magpayaman.

Minsan kailangan tayong magsakripisyo, malayo sa mga minamahal para mabigyan sila ng maalwan na pamumuhay. pero para saan naman lahat yun kung tatanda at mauubos ang lakas mo sa pagpapaalipin sa bansang arabo na hindi mo sila makakasama.. ( 45 days lang naman ang hinihingi ko ayan tuloy nag emo emohan ako eh eh maka iba)

Naitanung ko rin bakit kailangan pang magpayaman kung sa kaduluduluhan naman ay kamatayan. Napakasarap mamuhay ung maalwan, ung walang ibang iniisip, ung kasama mo ang mahal sa buhay. Pangarap ko lang naman ay magkaroon ng sariling bahay at isang masasabing negosyo sa pinas , para makapgstay na sa pinas forever maga kuyakuyakoy na laang. Ay na kung me trabaho baga na matinu tinu sa pinas ako ay di maga paka alis alis. Di ko mararanasan ang kumaing mag isa, matulog mag isa, mamasyal mag isa, gumising mag isa, maglutong mag isa, maglabang mag isa. Pero balewala lahat yan basta maalwan ang pamumuhay ng naiwan ko sa pinas. basta masaya sila, nabibili nila gusto nila, nakakain nila gusto nila (bawas hayblad di baga?? )

Pasasan baga at malalampasan yan. Sabi nga lahat ng pagsubok ay di ibibigay kung di kakayanin at basta susukuan na laang.  (Problems are Purposeful Roadblocks Offering Beneficial Lessons (to) Enhance Mental Strength. Inner strength comes from struggle and endurance, not when you are free from problems. ) Kakaiba aring naisip ko na ari.. bakasyon laang inaisip ko ay… yaesya tutulog na ang kenyo (mahal ko kayo) tommorow is another day…

Composition…

11 mga puna

sa loob

Makabagong  Bahay Kubo

i

Bahay kubo, Kahit Munti

Ang Halaman doon ay sari sari

Ubas, Mansanas, Durian at Sunkist

Chorus:

Pero Bahay Kubo 2x

ii

Ang Bubong ay tisa

ang bintanay kapis

ang ding ding ay pader

repeat chorus

iii

Lima ang tsuper

dalawa ang driver

isa ang reserba

tagatulak pala

repeat chorus

iv

May seksing labandera

me daldalerang muchacha

me sipsip na mayordoma

taga hugas pala

Chorus

Wakas

masters

     Siguro wala laang ako magawa, pati walang kabuluhang komposisyon napag diskitahan ko. Nangarap lang naman ako magkaroon ng matatawag na bahay. (Salamat ke Wifey dream come true). Sino ang mag aakala sa loob lang ng isang taon ko dito sa saudi (2007) matutupad  ung pinaka mimithi namin na  magkaroon ng sariling bahay. Pakiramdam ko noon ako ang pinaka mayabang na nilalang, Katakot takot namang pagtitipid ang ginawa ko nuon. naruon yung halos isang buwan na itlog ang ulam (naalala ko pa ung mala imburnal na amoy ng utot), ung uutangin ko ung isang buwan ko na sahod para me maipadala sa pinas pampasahod sa mga manggagawa, ( credits to tatay efren ung tatay tayan ko dito sa saudi), ung di makasama sa mga gimikan ng mga katrabaho pag weekends (sayang din ung riyals na magagastos pang remittance din yun) Dun ko nalaman ung ibig sabihin ng todo higpit ng sinturon. Pero ika nga me gantimpla lahat ng pagtitiis at paghihirap, by june 3, 2008 exactly our 3rd year wedding anniversary naganap ung blessings ng bahay kubo namin. Sa ngaun iyan ang matatawag ko na greatest accomplishment ko sa pagpaalipin dito sa saudi. Sabi nga nung mga kasamahan ko buti pa raw ako, in one year naka adhika na ako ng bahay. samantalang ung iba inabutan na ng tanda at naubusan na ng lakas sa pagtrabaho dito sa saudi, wala man lang naadhika kahit simpleng bahay kubo. Maganda man o panget ang dahilan, masama o mabuti, sila na lang ang nakakaalam kung bakit di nila nagawa kung anu ang naacomplish ko. Nangingite na lang ako salamat na lang at me wifey ako na  madiskarte at malakas ang loob. (my budget master). Kailan kaya makakagawa ung iba ng sariling komposisyon>>>

Bahay Kubo

recieving area

para ke nining

para ke totoy

Wifey’s Message

Mag-iwan ng puna

"yan dyosa ko yan"

Older Entries